26 nalason sa pancit palabok

Ed Casulla (Pilipino Star Ngayon) - August 4, 2015 - 10:00am

LEGAZPI CITY, Albay, Philippines – Umaabot sa 29-katao ang nalason matapos kumain ng pancit palabok sa birthday party ng kanilang kaibigan sa Barangay Tuburan, Ligao City, Albay noong Lunes ng hapon. Pansamantalang hindi nailabas ang mga pangalan ng nalason na magkakasunod na isinugod sa Josefina Belmonte Duran Memorial District Hospital  at Garcia Hospital sa nabanggit na lungsod. Ayon kay Dr. Wynns Samar ng Ligao City health office, ang pancit palabok ay binili ng birthday celebrant sa AC Pansit Malabon sa MacKinley Street sa nabangit na barangay. Ilang oras makalipas kumain ng palabok ay nagsuka at sumakit ang tiyan ng mga biktima kaya isinugod sa nasabing ospital. Kasalukuyan naman sinusuri ng lokal na sangay ng Department of Health ang ilang sangkap ng pancit palabok habang pansamantalang isinara ang nasabing tindahan sa Barangay Calzada.

ALBAY ANG AYON BARANGAY CALZADA BARANGAY TUBURAN DEPARTMENT OF HEALTH DR. WYNNS SAMAR GARCIA HOSPITAL JOSEFINA BELMONTE DURAN MEMORIAL DISTRICT HOSPITAL LEGAZPI LIGAO CITY PANSIT MALABON
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with