2 tinodas dahil sa droga

TUGUEGARAO CITY, Cagayan, Philippines – Pinaniniwalaang onsehan sa bawal na droga ang isa sa motibo kaya pinabulagta ang dalawa-katao sa naganap na pananambang ng mga di-kilalang lalaki sa kahabaan ng Irrigation Road sa Barangay Anao, bayan ng Roxas, Isabela kahapon ng madaling araw. Sa police report na nakarating kay P/Chief Insp. Virgilio Abillera, hepe ng Roxas PNP, kinilala ang mga napatay na sina Santiago Buenaventura Jr., 39, may nakabinbing kasong illegal drugs; at Luisito Fonacier. Sa imbestigasyon ng pulisya, lulan ng kotseng itim na may plakang WEV 285 ang mga biktima nang tambangan ng gunmen. Narekober sa crime scene ang mga basyo ng bala ang M16 Armalite rifle habang natagpuan naman sa loob ng kotse ang mga drug paraphernalia at basyong plastic sachets ng shabu.

Show comments