Retiradong pulis, nilikida

Philstar.com/File

CAVITE, Philippines – Napaslang ang 58-anyos na retiradong pulis matapos itong pagbabarilin ng riding-in-tandem gunmen sa harapan ng kanyang tindahan sa Barangay Sta. Rosa, bayan ng Noveleta, Cavite kamakalawa ng madaling araw. Sa police report na isinumite sa Camp Pantaleon Garcia sa Imus City, tiniyempuhan ang biktimang si Julio Barrozo na nagbukas ng pag-aaring tindahan nang lapitan at ratratin ng gunman. Kaagad na tumakas ng gunman sakay ng motorsiklo na minaneho ng kanyang kasabwat. Narekober sa crime scene ang pitong basyo ng cal. 45 pistol habang patuloy ang imbestigasyon.

Show comments