Shootout: 1 dedo, parak arestado

CABANATUAN CITY, Nueva Ecija, Philippines – Isang hinihinalang holdaper ang napas­lang habang arestado ang isang isang pulis at isa pang sibilyan nang makipagbarilan sa mga kagawad ng pulisya ng kanilang tangkaing hol­dapin ang isang delivery van sa Dupinga River, Barangay Malinao, Gabaldon, Nueva Ecija, kamakalawa.

Ayon kay P/Senior Supt. Manuel Cornel, Nueva Ecija Police provincial director, ang napatay ay si Raymund Reyes, ng Brgy. Balaring, General Natividad, habang naaresto sina PO1 Alvin Belmonte, 38, nakatalaga sa Palayan City Police at si Reynaldo Gozon, 45. Bandang alas-4:30 ng hapon, hinarang ng grupo nina Belmonte gamit ang isang kulay asul na Besta Van (UKJ-777) na pag-aari umano ng naares­tong pulis, ang delivery van ng Mighty Marvel cigarette na may lulan na 3-katao ga­ling sa Dingalan, Aurora at pabalik na sa Cabanatuan City. Dito natangay ang collection money ng delivery van na aabot sa P.4-M. Tiyempo namang nagpapatrolya sa di kalayuan sa lugar ang mga pulis at natiyempuhan ang mga suspek na humantong sa running gun-battle.

Show comments