15-anyos napagtripang saksakin, utas

CAMARINES NORTE, Philippines –-  Kamatayan ang sumalubong sa 15-anyos na lalaki matapos itong pagtulungang saksakin sa leeg ng dalawang bagets na sinasabing lango sa bawal na droga sa Barangay Gubat, bayan ng Daet, Camarines Norte kamakalawa ng gabi. Base sa ulat, huling namataang buhay ang biktimang si Mark Justin Nagera na kausap ang dalawang di-kilalang lalaki sa harapan ng Habibi Apartelle sa Roseville 3 hanggang sa matagpuan itong duguang nakahandusay habang patuloy naman ag imbestigasyon.

Show comments