^

Star photojournalist, pinasok ng ‘Akyat-Bahay’

Raymund Cantindig (Pilipino Star Ngayon) - July 24, 2015 - 10:00am

TUGUEGARAO CITY, Philippines - Dahil sa kasarapan ng pagtulog, hindi namalayan ng photojournalist ng Philippine Star at pahayagang ito na si Victor Martin na pinasok na ang kanyang bahay ng mga hinihinalang “Akyat-Bahay” gang na tumangay ng  mamahaling cell phone tablet at mahigit P30,000 cash sa Purok 7, Diversion Road, Brgy Sta Rosa, Bayombong, Nueva Vizcaya kamakalawa.

Sa ulat ng pulisya, pinaniniwalaang nilooban ng mga magnanakaw ang bahay ni Martin dakong alas-2:00 hanggang 3:00 ng madaling-araw matapos sirain ang mga lock sa lahat ng bintana at dalawang pintuan ng kanyang bahay habang mahimbing silang natutulog misis at mga anak.

Nakulimbat ng mga mag­nanakaw ang naka­tagong pera ni Martin at kanyang misis na nakalagay sa kani-kanilang bag at iba pang cabinet.

Nadiskubre na lamang ng mag-asawang Martin na sila’y nilooban nang magi­sing sila dakong alas-7:00 ng umaga upang patayin ang aircon sa bahay dahil sa sobrang lamig.

Si Martin ay publisher din ng lokal na pahayagang Voice of the Sierra Madre na humalili sa yumaong reporter ng Star na si Charlie Lagasca.

ACIRC AKYAT-BAHAY BAYOMBONG BRGY STA ROSA CHARLIE LAGASCA DIVERSION ROAD NUEVA VIZCAYA PHILIPPINE STAR SI MARTIN TUGUEGARAO CITY VICTOR MARTIN VOICE OF THE SIERRA MADRE
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with