Lolo dinedo sa taniman ng sitaw

TUGUEGARAO CITY, Cagayan, Philippines – Kamatayan sa Semana Santa ang sumalubong sa 61-anyos na lolo matapos itong ratratin di-kilalang lalaki habang umaani ito ng pananim na sitaw sa kanyang bakuran sa Barangay Binatug, bayan ng San Mariano, Isabela kamakalawa. ? Sa police report na natanggap ni P/Senior Insp. Bonifacio Gannaban, hepe ng San Mariano PNP, kinilala ang lolo na si Loreto Alejandrino. Pinaniniwalaang alitan sa  lupa ang isa sa motibo ng gunman. Samantala, isa ring magsasaka at sarhento ng Cafgu ang pinabulagta matapos pagbabarilin ng mga hindi kilalang lalaki sa nasabing bayan sa magkahiwalay na karahasan noong nakalipas ng linggo. Naalarma naman ang taumbayan sa serye ng patayan sa nasabing bayan. Raymund Catindig

Show comments