2 estudyante ipina-rape ng textmate
Rosalinda L. Orosa (Pilipino Star Ngayon) - March 29, 2015 - 12:00am

MANILA, Philippines - Masaklap ang sinapit na kapalaran ng dalawang estudyante kabilang ang isang 13 anyos na dalagita matapos ang mga itong ipa-rape ng textmate sa dalawa nitong barkada  sa Brgy. Canelar, Zamboanga City, ayon sa ulat kahapon.

Lumuluhang dumulog sa pulisya kamakalawa ang mga biktimang itinago sa pangalang Janet, 19 at Anna, 13 anyos.

Ayon kay Inspector Dahlan Samuddin, Spokesman ng Police Regional Office (PRO) 9, arestado naman sa follow-up operations ang tatlong suspek na kinilalang sina Walid Ali­muddin, 19;  isang 16 anyos na itinago sa pangalang Eric at ang textmate ng mga biktima na si Alsimar Alimuddin, 19 anyos.

Sa salaysay ng mga biktima, naganap ang insidente dakong alas-4:30 ng hapon may dalawang araw na ang nakalilipas sa tahanan ng kanilang textmate na si Alsimar na inimbitahang kumain ng pritong manok at uminom ng alak ang dalawang babae na pinaunlakan ng mga ito.

Gayunman, matapos kumain at malasing ay puwersahan ang mga itong ipinagahasa ni Alsimar sa kaniyang mga barkada at umano’y nakilamas rin ito sa maselang bahagi ng katawan ng mga biktima.

Nabatid na wala ang mga magulang ng suspek na si Alsimar at maging ang mga kapatid nito ng maganap ang insidente. Ang mga suspek ay sinampahan na ng kaso. (Joy Cantos)

 

ALSIMAR ALSIMAR ALIMUDDIN AYON INSPECTOR DAHLAN SAMUDDIN JOY CANTOS POLICE REGIONAL OFFICE WALID ALI ZAMBOANGA CITY
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with