Prominenteng trader nilikida

TUGUEGARAO CITY, Cagayan, Philippines - Napatay ang 54-anyos na prominenteng negosyante matapos itong ratratin ng ‘di-kilalang lalaki sa Barangay San Jose, Candon City, Ilocos Sur kamakalawa ng gabi. Sa police report na isinumite kay P/Supt. Richmond Tadina, hepe ng Candon City PNP, nagmula sa isang okasyon ang biktimang si Jonathan Tiu kasama ang kanyang driver nang lapitan at pagbabarilin ng gunman habang binubuksan ang pintuan ng puwestong inuuwian nito.? Si Tiu ay isa sa mga negosyanteng supplier ng construction supplies sa nasabing lungsod. Sinisilip ng mga imbestigador ang anggulong alitan sa negosyo ang isa sa motibo sa naganap na pamamaslang. Raymund Catindig

 

Show comments