Dalagita ni-rape slay ng adik

CAVITE, Philippines – Pinaniniwalaang ginahasa muna bago sinakal hanggang sa napatay ang 15-anyos na dalagita ng kanyang kainumang adik bago itinapon sa ilog kamakalawa ng gabi sa Barangay Marulas, Kawit, Cavite. Bandang alas-8:30 ng umaga nang matagpuan ng ilang residente ang bangkay ni Marinel Largo sa bahagi ng exit gate ng Cavitex sa nasabing barangay. Pinaghahanap naman ng mga operatiba ng pulisya ang suspek na si Dan Rex Enriquez ng Barangay Ligtong sa bayan ng Rosario na sinasabing huling namataang kasama ng biktima sa inuman sa ginanap na party.

Show comments