Sekyu dedo sa motorbike thieve
Cristina Timbang (Pilipino Star Ngayon) - March 10, 2015 - 12:00am

CAVITE, Philippines – Napatay ang 52-anyos na security guard matapos itong barilin ng isang motorbike thieve sa bahagi ng Barangay Manggahan sa bayan  ng General Trias, Cavite kamakalawa. Naisugod pa sa Gentri Doctors Hospital pero namatay din habang ginagamot ang biktimang si Jorge Bique ng Block 11, Lot 45, West Subdivision sa Barangay De Ocampo, Trece Martires City, Cavite. Sa police report na nakarating sa Camp Pantaleon Garcia sa Imus City, bandang alas-7 ng gabi nang maaktuhan ng biktima ang isang lalaki na sinisikwat ang nakaparadang motorsiklo. Tinangkang sitahin ng biktima ang ginawang paninikwat sa motorbike na pag-aari ni Joseph lido subalit pinutukan siya sa tiyan saka tumakas ang kawatan tangay ang motorsiklo.

BARANGAY DE OCAMPO BARANGAY MANGGAHAN CAMP PANTALEON GARCIA CAVITE GENERAL TRIAS GENTRI DOCTORS HOSPITAL IMUS CITY JORGE BIQUE TRECE MARTIRES CITY WEST SUBDIVISION
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with