Caretaker kinatay sa ibabaw ng nitso

MANILA, Philippines - Napatay ang 38-anyos na caretaker ng sementeryo matapos itong pagtatagain sa ibabaw ng nitso ng kainuman nitong may diperensya sa pag-iisip sa Barangay Boboy, bayan ng Agno, Pangasinan kamakalawa. Halos mapugutan ang biktimang si Jessie Neypes, katiwala sa Agno Memorial Cemetery habang nasakote naman ang  38-anyos na suspek na si Rodney Rex Rico. Sa ulat ng Pangasinan PNP na isinumite sa Camp Crame, kapwa lango sa alak ang biktima at suspek kung saan sumiklab ang mainitang pagtatalo kaugnay sa kanilang ininom na alak at pulutan. Sa kainitan ng pag-aaway ay biglang pinagtataga ng suspek ang biktima sa mismong ibabaw ng nitso kung saan ang mga ito ay nag-iinuman. Inaalam ng mga awtoridad kung may katotohanan ang pahayag ng mga kamag-anak na ang suspek na may diperensya sa pag-iisip.

Show comments