Testigo sa krimen, itinumba

STAR/File photo

CAVITE, Philippines – Napatay ang 25-anyos na lalaki na sinasabing testigo sa pananabotahe ng motorsiklo matapos itong gulpihin saka inihataw ang ulo sa bakal ng isang 19-anyos na lalaki na pinaniniwalaang miyembro ng sindikato sa naganap na panibagong karahasan sa Barangay Bulihan, bayan ng Silang, Cavite kamakalawa ng hapon. Naisugod pa sa ospital subalit idineklarang patay si Karrem Ilustrisimo Illut ng Brgy. Acacia habang nasakote naman ang suspek na si Vianz Adam “Cham Cham” Avenido ng Blk. 74 Lot 16 Zone 5 sa nabanggit na barangay. Sa pagsisiyasat ng pulisya, ang biktima ay nakasaksi sa ginawang pananabotahe ng suspek sa motorsiklo ng kaibigan nito matapos lagyan ng asin ang tangke ng gasolina.

Show comments