Trader, magsasaka nilikida

NORTH COTABATO, Philippines – Pinabulagta ang 46-anyos na trader at isang magsasaka sa naganap na magkahiwalay na karahasan sa North Cotabato kamakalawa ng hapon. Unang napatay ang negosyanteng si Fernando Managit matapos itong ratratin ng di-kilalang lalaki sa bahagi ng Dimadalid Street sa Barangay Poblacion, bayan ng Carmen, North Cotabato. Samantala, ang 42-anyos na magsasakang si Reynaldo Villega Alquiza ay pinagbabaril at napata yng dalawang di-kilalang lalaki sa Purok 3, Barangay Estado sa bayan ng Matalam, North Cotabato. Nabatid na patungong maisan ni Kagawad Blando ang biktima kasama ang isa pang magsasakang si Antonio Oñate para mag-spray ng kemikal nang harangin at ratratin. Hindi naman idinamay sa pamamaslang si Oñate.

Show comments