Masbate guv sa pork scam sumuko na

MANILA, Philippines - Sumuko kagabi si  Masbate Governor Rizalina Seachon Lañete na nahaharap sa kasong plunder at graft kaugnay ng pork barrel scam.

Nagtungo kagabi si La?ete sa tanggapan ni Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) chief Benjamin Magalong, kung saan sumailalim siya sa booking process.

Ipinaaresto ng Sandiganbayan si Lañete dahil sa umano'y paglagak ng P112.29 milyong pondo sa pork barrel scam habang nakaupo pa siya bilang Kongresista noong 2007 hanggang 2009.

Nasa kustodiya ngayon ng CIDG-NCR si La?ete.
 

Show comments