2 NPA dedo sa bakbakan

CAMARINES NORTE, Philippines  -  Napatay ang dalawang mi­yembro ng New People’s Army na sinasabing nangangalap ng revolutionary tax sa mga residente makaraang makasagupa ng mga awtoridad sa Barangay Bangad, bayan ng Milagros, Masbate kamakalawa ng hapon. Isa sa napatay ay kinilalang si Ronilo Apalit Culibar, 34, ng  Aroroy, Masbate habang inaalam pa ang pagkakakilanlan ng kasamahan nito. Ayon sa ulat, bago maganap ang bakbakan ay nagpaabot ng reklamo sa mga awtoridad si Chairman Freddie Bolivar kaugnay sa dalawang armadong lalaki na nangangalap ng buwis sa mga residente. Kaagad namang inilatag ang operasyon kung saan napatay ang dalawang rebelde. 

 

Show comments