^

Probinsiya

Bata tinamaan ng ligaw na bala sa Laguna, jail guard arestado

Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Sugatan ang isang pitong-taong-gulang na lalaki matapos tamaan ng ligaw na bala sa likod ng ulo sa lalawigan ng Laguna kahapon.

Naglalaro lamang sa loob ng kanilang bahay sa Barangay Bagong Silang, Lumban ang biktimang si Isaac Ruda nang tamaan ng ligaw na bala.

Kaagad isinugod sa Christian General Hospital sa Pagsanjan, Laguna si Ruda.

Samantala, naaresto ang jail guard Mario Cortez, 56, ng Laguna provincial jail ilang oras matapos ang insidente.

Nakita ng mga testigo si Cortez na lasing at nagpaputok ng kanyang kalibre.22 na baril.

Napag-alamanang nakasuhan na si Cortez dati dahil sa pagpapatuok ng baril ngunit nakalaya rin matapos makapag piyansa.

Nagpositibo sa gunpowder burn ang jail guard nang isailalim sa paraffin test.

BARANGAY BAGONG SILANG

CHRISTIAN GENERAL HOSPITAL

ISAAC RUDA

KAAGAD

LUMBAN

MARIO CORTEZ

NAGLALARO

NAGPOSITIBO

NAKITA

NAPAG

PAGSANJAN

  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with