Pulis binoga sa dibdib, grabe

QUEZON, Philippines - Kasalukuyang nakikipaglaban kay kamatayan ang 41-anyos na pulis-Lucena City matapos itong barilin ng gunman sakay ng trike sa kahabaan ng Maharlika Highway sa Barangay Isabang, Tayabas City sa Quezon kamakalawa ng gabi. Nagtamo ng tama ng bala sa dibdib at inoobserbahan sa Lucena United Doctors Hospital ang biktimang si PO1 Raymund Portuguez, nakatalaga sa warrant section at nakatira sa Barangay Gulang-gulang. Tinangkang sitahin ng biktima at ilang kabarong pulis ang ilang pasahero ng traysikel dahil sa nagaganap na komosyon. Gayon pa man, binaril ng di-kilalang lalaking lulan ng trike ang biktima habang nakatakas naman ang gunman sakay ng trike na may plakang 6715 QC. Ang biktima at ilang kabarong pulis ay lulan ng  mobile car patungo na sa himpilan ng pulisya mula sa San Pablo City Regional Trial Court sa Laguna nang maganap ang insidente.

Show comments