Guro nilooban, ni-rape ng akyat-bahay

MANILA, Philippines – Doble kamalasan ang sinapit ng 30-anyos na guro ng pampublikong paaralan matapos itong pagnakawan ay hinalay pa ng isang lala­king akyat-bahay sa Barangay Fatima, bayan ng Liloy, Zamboanga del Norte kamakalawa.

Itinago sa pangalang Judy ang biktimang guro sa Ganase Elementary School na sinasabing nanlulumong dumulog sa pulisya para magreklamo.

Sa ulat ng pulisya na isinumite sa Camp Crame, bandang alauna ng mada­ling araw nang pasukin ang biktimang mahimbing na natutulog katabi ang kanyang anak.

Gayon pa man, maalimpungatan ang biktima sa nilikhang ingay ng suspek na si Rodito Belonio Jr. na sinasabing labas-masok sa kulungan.

Kaagad na tinutukan ng baril ang biktima saka hinalay.

Tinangkang manlaban ng biktima pero nagbanta ang suspek na papatayin silang mag-ina kaya wala itong nagawa kundi isuko ang pagkababae.

Matapos halayin ang guro ay mabilis na tumakas ang suspek tangay ang cellphone ng biktima, passbook, at cash na aabot sa P4,000.

Show comments