Manugang pinugutan ng biyenan

TUGUEGARAO CITY, Cagayan, Philippines - Tuluyan nang hindi nagising ang 36-an­yos na magsasaka matapos itong pugutan ng kanyang biyenan sa kanilang bakuran sa Barangay Ma­­nanteng, bayan ng Solsona, Ilocos Norte kamakalawa.

Kinilala ni P/Senior Insp. Leonardo Tolentino, hepe ng Solsona PNP ang napatay na si Danny Tabrilla Jacinto habang arestado naman ang suspek na si  Domingo Martillano Marcelino, 68, kapwa nakatira sa nasabing barangay.

Sa pagsisiyasat ng pu­lisya, lumitaw na nakatulog ang biktima sa kanyang bakuran mula sa maghapong trabaho sa palayan nang madatnan ng suspek na lango sa alak matapos itong makipag-inuman.

Dahil sa wala sa katinuan ang suspek ay walang pakundangang pinagtataga sa leeg ang kanyang manugang na halos humiwalay ang ulo sa katawan nito.

Bagama’t magkasama sa iisang bubungan ang  pamilya ng suspek at manugang nito ay may matinding alitan ang namagitan sa isa’t isa sa nakalipas na taon.

Show comments