Senglot todas sa mag-ama

CAVITE, Philippines – Kinuyog at pinatay sa saksak ng mag-ama ang isang la­sing na lalaki na nakaaway ng isa sa mga ito sa naganap na krimen sa General Trias, Cavite kamakalawa ng gabi. Hindi na umabot ng buhay sa Divine Grace Medical Center ang biktimang si Rheymarc Rebanal, 21, tubong Camarines Norte at nakatira sa Purok II Tejero Gen. Trias Cavite. Kusang-loob naman na sumuko ang isa sa suspek na si Joy Cab­ral, 17,  vendor ng pakwan habang hinahanting naman ang ama nitong  si Antonio Napoles, 47, kapwa ng nasabi ring barangay.

Base sa imbestigasyon ng pulisya, dakong alas-7 ng gabi nang magtalo umano ang biktima at ang batang Rebanal dahil sa kakulitan umano ng biktima na lasing ng maganap ang insidente na humantong sa krimen.

Show comments