Driver ‘di-nagbayad ng utang, binoga

TUGUEGARAO CITY, Cagayan, Philippines – Nakikipagbuno kay kamatayan ang drayber ng traysikel na sinasabing hindi nagbayad ng pagkakautang makaraang pagbabarilin ng kanyang kaibigang ex-pulis sa Barangay Sta. Rosa, bayan ng Aurora, Isabela kamakalawa. ?Sa police report na isinumite kay P/Chief Insp. Santos Tecbobolan, hepe ng Aurora PNP kasalukuyang ginagamot sa Garcia Hospital sa Cauayan City ang biktimang si Eddie Abalos na tinamaan ng bala ng cal. 45 pistol sa leeg at katawan,? habang pinaghahanap naman ang suspek na si Eddie Abalos. Lumalabas sa imbestigasyon na nagmamadjong ang biktima nang lapitan at ratratin ng suspek. Nabatid na may pagkakautang ang biktima sa suspek subalit hindi ito nababayaran ng suspek.

 

Show comments