2 utas sa bike crash

LEGAZPI CITY, Albay, Philippines – Patay ang dalawang sibilyan makaraang sumalpok ang kanilang motorsiklo sa poste ng kuryente sa Barangay Padang, Legazpi City, Albay kahapon ng madaling araw. Idineklarang patay sa pagamutan ang mga biktimang sina Gil Barcilla, 47, may asawa, ng Purok 4, Barangay 40 sa nabanggit na lungsod; at Haidee Tuazon, 26 , dalaga, ng Purok 5, Barangay Rawis sa nasabi ring lungsod. Sa ulat ng pulisya, binabaybay ng mga biktimang sakay ng motorsiklo ang kahabaan ng highway patungong Legazpi City mula sa bayan ng Sto.Domingo nang mawalan ng kontrol sa manibela si Barcilla. Nagtuluy-tuloy na sumalpok sa poste ng kuryente sa gilid ng kalsada ang motorsiklo ng mga biktima na tumilapon ng ilang metro. Hindi na umabot ng buhay sa pagamutan ang dalawa.

Show comments