Trak vs trak: 1 dedo, 19 sugatan

CAMARINES NORTE, Philippines - Patay ang 44-anyos na mister habang 19 naman ang nasugatan makaraang magsalpukan ang dalawang trak sa kahabaan ng Maharlika Highway sa Barangay Palestina, bayan ng Pili, Camarines Sur kamakalawa ng hapon.

Kinilala ang namatay na si Odon Ortiz ng Brgy. Pandan, Ligao,  Albay habang naisugod naman sa Bicol Medical Center ang mga sugatang sina Larsen Parson Porlaje, driver ng Isuzu forward truck (UFX688); Marcial Benitez, Reyne Cipriano, Carlito Calleja, Vilma Pretista, Marlon Ramirez, Gomer Ferrer, Francisco Marfil, Rahel Galmante, Jacklyn Pretista, Allan Oro, Francisco Buenaobra, Felix Almero, Procesio Rabosa Jr, Aurora Dequiro, Jaime Pacolor, Merna Canio, Loreto Reqereque, at si Eduardo Buenaobra, mga nakatira sa bayan ng Ligao, Albay.

Base sa police report, nawalan ng kontrol sa manibela ang driver ng trak na si Howard Kim Hernandez kaya sumalpok sa kanang bahagi ng Isuzu truck ni Portale.

 

Show comments