Rapist takot makulong, nag-suicide

MANILA, Philippines - Pinaniniwalaang natakot na makulong kaya nagdesis­yong magpasalubong kay kamatayan ang 31-anyos na mister  na inireklamo ng panghahalay sa dalawang anak ng kaniyang ka-live-in matapos itong magsaksak sa sarili kamakalawa ng hapon sa bayan ng Liloy, Zamboanga del Norte.

Idineklarang patay sa Integrated District Hospital ang suspek na si Arcinio Martonillas ng Barangay Mabuhay sa nabanggit na bayan.

Nabatid na hindi kaagad nagsumbong ang dalawang nene sa kanilang ina dahil sa matinding takot sa amain.

Nadiskubre ang krimen matapos na mapansin ng ina ang kakatwang ikinikilos ng dalawang bata na kapwa paika-ikang lumakad kung saan ipinagtapat ng mga ito na sinalbahe sila ng suspek noong Huwebes ng gabi (Oct. 23).

Kinompronta ni Ma­richu ang kanyang ka-live-in kung saan nagbantang magpapakamatay kapag nagsuplong ito sa pulisya.

Kaagad namang nagtungo sa presinto si Ma­richu sa pulisya para ireklamo ang kanyang ka-live-in subalit habang aarestuhin ng pulisya ang suspek ay nagkulong ito sa silid saka nag-suicide.

Show comments