2-anyos totoy pisak sa bus

TUGUEGARAO CITY, Cagayan, Philippines – Masyadong maaga ang salubong ni kamatayan sa 2-anyos na totoy makaraang masagasaan ng pampasaherong bus sa kahabaan ng highway sa Barangay Carulucud, bayan ng San Pablo, Isabela kamakalawa.? Sa ulat na isinumite kay P/Senior Insp. Alford Accad, hepe ng San Pablo PNP, bigla na lamang tumawid na mag-isa sa kalsada ang biktimang si Darwin Yadan kaya nahagip ng GMW Bus Liner (AVY 479) na minamaneho ni Johnny Agustin ng Barangay Aguiguican sa bayan ng Gattaran, Cagayan.? Nakaladkad ng bus ang bata ng may ilang metro kung saan naisugod sa Milagros District Hospital subalit idineklara itong patay habang sumuko naman ang driver ng bus sa pulisya.

Show comments