Off-duty na sundalo patay sa BIFF

MANILA, Philippines – Namimili lamang ng prutas sa palengke ang isang off-duty na sundalo nang tambangan mula sa likuran ng mga miyembro ng bandidong grupong Bangsamoro Islamic Freedom Fighters (BIFF) kahapon sa Maguindanao.

Nakilala ang biktima na si Cpl. Macapeges Mamangcua na kabilang sa 33rd Infantry Battalion ng militar.

Ayon sa commanding officer na si Col. Markton Abo, namamalengke lamang si Mamangcua sa Barangay Dapiawan, Datu Piang nang barilin mula sa likuran ng mga miyembro ng BIFF gami ang kalibre .45 pistol.

Nangyari ang pananambang dalawang araw makalipas patumbahin din ng BIFF ang dalawang sundalo na miyembro ng 62nd Reconnaissance Company ng 6th Infantry Division.

Palabas mula ng simbahan sina Rex Limpahan at Edward Baes nang salubungin sila ng bala ng 9mm pistols.

Show comments