Bunso dinedo ng kuya

LEGAZPI CITY, Albay, Philippines – Napatay ang 28-anyos na mister habang malubha naman nasugatan ang kapatid nito makaraang barilin at tagain ng kanilang nakatatangdang kapatid dahil sa matinding awayan kamakalawa ng gabi sa Barangay San Isidro, bayan ng Aroroy, Masbate. Kinilala ng pulisya ang napatay na si Tata Gracio Bertuldo habang naisugod naman sa ospital si Sammy Gracio Bertuldo, 36, negosyante at mga nakatira sa nasabing barangay. Pinaghahanap naman ng pulis­ya ang suspek na si Bobby Garcio Bertuldo. Napag-alamang nag-ugat ang insidente matapos tumutol ang suspek sa pinagawang palaisdaan ni Sammy kung saan nauwi sa pananaga. Tinangkang awatin ni Tata ang kanyang mga kapatid subalit maging siya ay binoga ng suspek.

 

Show comments