Negosyante dinukot, pinatay

TUGUEGARAO CITY, Cagayan, Philippines  – Pinahirapan muna saka pinagbabaril hanggang sa mapatay ang 27-anyos na trader matapos itong dukutin kamakalawa sa Barangay Buenasuerte, Cauayan City, Isabela. Kinilala ni PO2 Arvin Asuncion ang biktima na si Jeffrey Esteban ng Barangay San Fermin sa nasabing lungsod. Natagpuan kahapon ng umaga ang bangkay ng biktima sa bakanteng lote sa nasabing barangay.? Sa tala ang pulisya, lumilitaw na nasakote na rin ang utol ng biktima  dahil sa pagbebenta ng bawal na droga subalit ito ay nakapagpiyansa. May palatandaang pinahirapan muna ang biktima at iginapos ang mga paa at kamay nito ng alambre. Sinisilip naman kung may kaugnayan sa bawal na droga ang pagpatay sa negosyante.

Show comments