Mag-utol kinatay ng magsasaka

CAMARINES NORTE, Philippines – Magkasunod na sinalubong ni kamatayan ang mag-utol habang dalawa naman ang nasugatan makaraang pagtatagain ng kanilang kapitbahay na lalaki sa Brgy. Togoron, bayan ng Monreal, Masbate noong Sabado ng umaga.

Sa ulat ni P/Senior Supt. Jacinto Culver Sison, Masbate PNP director, Kinilala ang mag-utol na sina Jian Cantoria, 15; at Rea Cantoria, 2.

Ginagamot naman sa Masbate Provincial Hospital ang mga sugatang sina Digol Cantoria, 4; at Tom Rejano, 17, mga nakatira sa Sitio Reservoir sa nasabing barangay habang pinaghahanap naman ng pulisya ang suspek na si Cyrel Reluao, 31.

Nabatid sa ulat ni PO2 Joseph Almencion, na biglang nag-amok ang magsasakang suspek at pinagtataga si Rejano sa kanyang bahay subalit nakatakbo kahit sugatan.

Isinunod ng suspek na pasukin ang bahay ni Pa­nong Cantoria saka pinagtataga ang mag-uutol na sina Jian, Rea at si Digol.

Sinasabing ang suspek ay dumaranas ng matin­ding depresyon dahil sa pa­nanaga sa kanyang kapatid na lalaki noong Linggo (Sept 7). Francis Elevado at

Show comments