13 anyos nakuryente, patay

MANILA, Philippines - Patay ang isang 13 anyos na batang lalaki makaraan itong aksidenteng makur­yente sa Brgy. Lipacan, Malangas, Zamboanga Sibugay kamakalawa ng gabi.

Idineklarang dead-on-arrival sa Diplahan Hospital ang biktimang  si Jayson Singol, Grade III pupil, nagtamo ng 2nd  degree burn sa katawan.

Sa ulat ng Police Regional Office (PRO) 9, dakong alas-6:30  ng gabi ng maganap ang insidente sa bisinidad ng itinatayong bahay ng tiyuhin ng biktima na si Roque Galvi sa nasabing lugar.

Ayon sa imbestigas­yon, nagtungo ang bata sa ipinapagawang bahay ng kaniyang tiyuhin kasama ang pinsan nitong si Ramil Galvi, 11 anyos at habang pauwi na ay aksidenteng nahawakan ang live wire ng Zamsureco na nagbunsod sa kaniyang kamatayan.

 

Show comments