Ambush: ABC president, bodyguard dedo

CAMP VICENTE LIM, Laguna, Philippines – Napatay ang pangulo ng  Association of Barangay Captains at ang bodyguard nito makaraang pagbabarilin ng riding-in-tandem assassins sa kahabaan ng kalsada sa bayan ng Sta. Maria, Laguna kahapon ng umaga.

Kinilala ni Laguna PNP Director P/Senior Supt. Romulo Sapitula ang mga biktima na sina  Chairman Melchor Aranas ng Barangay Bagong Pook; at Joselitio Albuen, driver-bodyguard ni Aranas.

Sa inisyal na report ng pulisya, nakasakay ang dalawa sa Toyota Vios na pag-aari ni Aranas nang lapitan at ratratin ng tatlong armadong lalaki na magkakaangkas sa motorsiklo.

Naisugod pa sa Pakil Hospital ang dalawa subalit kapwa idineklarang patay.

Agad na binuo ng task force at special investiga­ting team ang Laguna PNP para tutukan ang naganap na krimen.

Show comments