Shootout: Motorbike thief dedo

CAVITE, Philippines – Bulagta ang isa sa miyembro ng motorbike thieves matapos makipagbarilan sa mga operatiba ng pulisya sa kahabaan ng Southwoods sa bayan ng Carmona, Cavite kamakalawa ng gabi. Kasalukuyang bineberipika ng pulisya ang pagkakakilanlan ng napatay na kawatan habang narekober naman ang motorsiklo na ninakaw sa harap ng klinika sa Trece Martirez City, Cavite noong Mayo 2013. Sa beripikasyon ng pulisya ang motorsiklo ay pag-aari ng security guard na si Kerby Bayot ng Amadeo, Cavite.

 

Show comments