Lola kisay sa kuryente

CAMARINES NORTE , Philippines - Hindi na nagawang matikman ng 71-anyos na lola ang kanyang masarap na niluto para sa pananghalian makaraang makuryente sa kusina ng kanilang bahay sa Barangay Mandacanan, bayan ng Libmanan, Camarines Sur kamakalawa ng umaga. Idineklarang patay sa Libmanan District Hospital ang biktimang si Angelica Tendero matapos mahawakan ang talop na kable ng kuryente sa kusina habang naghahanda ng pananghalian ng apong lalaki. Bunsod nito ay nagkikisay ang matanda matapos na dumaloy sa katawan nito ang malakas na boltahe ng kuryente. Ang insidente ay nasaksihan ng 11-anyos na apo na agad namang humingi ng saklolo sa mga kapitbahay.

Show comments