1 patay sa Sarangani flashflood

MANILA, Philippines. – Nasawi ang isang 40-anyos na babae matapos anurin at malunod sa ilog sa Sarangani province, ayon sa state disaster response agency ngayong Biyernes.

Kinilala ng National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC) ang biktimang si Lucaya Sakilan na residente ng Barangay Pagasa sa bayan ng Alabel.

Patungo sana ng Sitio Manlangit si Sakilan at ang kanyang anak na babae nang maganap ang insidente matapos tawirin ang Kihan River sa Sitio Amas nitong kamakalawa.

Inanod ng malakas na pagragasa ng tubig ang mag-ina, ngunit hindi nakaligtas si Sakilan, habang masuwerteng nakakapit sa isang troso ang anak.

Show comments