Lider ng KFR, tiklo

MANILA, Philippines - Nalambat ng mga operatiba ng pulisya ang itinuturing na lider ng mga bandidong Abu Sayyaf Group na sangkot sa kidnap-for-ransom (KFR) at itinuturong responsable sa pagdukot sa mga banyaga sa Malaysia  sa isinagawang operasyon sa Baragay Sanga-Sanga, bayan ng Bongao, Tawi-Tawi noong Martes. Bandang alas-10  ng umaga nang masakote ng mga tauhan ng Special Action Force at 5th Special Action Battalion ang suspek na si Mobin “Kahumbo” Hailil. Nasamsam sa suspek ang cal. 45 pistol at isang MK2 grenade. Sa tala ng pulisya, ang grupo ni Hailil ay sangkot sa pagdukot sa mga dayuhan sa Mabbul Island, Malaysia kung saan ilan sa mga biktima ay pinatay may ilang taon na ang nakalilipas.

Show comments