Suspek sa pagpatay, nilikida

CAMARINES NORTE, Philippines  – Napaslang ang 63-anyos na mister na sinasabing may kinakaharap na kasong murder matapos itong ratratin ng di-kilalang lalaki sa Barangay 2, bayan ng Mercedes, Camarines Norte kamakalawa. Anim na bala ng cal. 45 pistol ang tumapos sa buhay ni Fredirico Panganiban, katiwala sa fishpond at nakatira sa nasabing bayan. Sa police report na nakarating kay P/Senior Insp. Rogelyn Calandria, pauwi na ang biktima nang harangin at pagbabarilin. Sa tala ng pulisya, ang biktima ay may standing warrant of arrest sa kasong murder noong 2002 kung saan ito nagtago ng 12-taon.

Show comments