^

Barangay chairman, itinumba

Ed Casulla (Pilipino Star Ngayon) - August 27, 2014 - 12:00am

LEGAZPI CITY, Albay, Philippines - Napatay ang 56-anyos na barangay chairman habang malubha naman ang kasama nitong driver makaraang tambangan mga di-kilalang lalaki kahapon ng madaling araw sa Barangay Del Rosario, bayan ng Uson, Masbate. Kinilala ang napatay na si Chairman Vicente Hugo ng Barangay Arado habang ginagamot naman sa Rural Health Unit si Marlon Bon, 38. Sa police report, papauwi na ang mga biktimang magkaangkas sa motorsiklo nang harangin at ratratin ng mga armadong lalaki pagsapit sa nabanggit na barangay. Narekober sa crime scene ang ilang basyo ng bala ng baril.

BARANGAY ARADO BARANGAY DEL ROSARIO CHAIRMAN VICENTE HUGO KINILALA MARLON BON MASBATE NAPATAY NAREKOBER RURAL HEALTH UNIT USON
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with