Guro nakuryente, todas

TAYABAS CITY, Quezon , Philippines  - Hindi na umabot ng buhay sa ospital ang 46-anyos na teacher matapos na makuryente habang naglilinis ng kanilang bakuran sa Barangay Ibabang Ilasan sa Tayabas City, Quezon, kamakalawa ng umaga. Kinilala ng pulisya ang biktima na si Letecia Lagrosas, 46, may-asawa, guro sa San Roque Parochial School sa Barangay Ilayang Ilasan. Sa imbestigasyon ng pulisya, nagwawalis sa bakanteng lote ng kanilang bakuran ang biktima nang aksidente itong mapahawak sa talop na linya ng kuryente na nakakabit sa meter base. Agad na nagkikisay ang biktima at natumba sa lupa kaya mabilis na dinala ng kanyang mga kaanak sa Tayabas Community Hospital subalit idineklarang patay.

 

Show comments