SB member itinumba

MANILA, Philippines - Napaslang ang isang miyembro ng Sangguniang Bayan matapos itong pagbabarilin ng riding-in-tandem gunmen sa Barangay Bagocboc, bayan ng Opol, Misamis Oriental kamakalawa ng hapon. Napuruhan sa ulo, dibdib at leeg ang biktimang si Cecilio “Anggong” Abujan ng nasabing bayan. Nabatid na ang biktima ay member sa bayan ng Opol na kilala sa krusada nito laban sa illegal mining sa kanilang munisipalidad. Sa ulat ng Misamis Oriental PNP na nakarating sa Camp Crame, naganap ang insidente pasado alas-3 ng hapon kung saan pauwi na ang biktima lulan ng motorsiklo nang sundan at pagbabarilin ng tandem. Duguang tumilapon sa motorsiklo ang biktima na pagbagsak sa lupa ay muling pinagbabaril ng gunmen saka nagsitakas.

Show comments