20 sugatan sa sakuna

MANILA, Philippines - Dalawampu-katao ang nasugatan makaraang  sumalpok ang pampasaherong jeepney sa punungkahoy sa tabi ng highway Barangay Sugbongcogon sa bayan ng Tagaloan, Misamis Oriental kahapon ng umaga. Sa imbestigasyon ni SPO1 Arman Atsas, sumabog ang kaliwang gulong sa likuran ng pampasaherong jeepney na patungong Cagayan de Oro City kaya nawalan ng kontrol sa manibela ang driver. Dito na sumalpok ang jeepney sa punungkahoy sa gilid ng highway. Agad namang isinugod sa pagamutan ang mga nasugatan habang isasailalim naman sa pagsusuri ang ulo ni Resbert Ronquillo, driver ng jeepney matapos itong humampas sa matigas na bahagi sa unahan ng jeepney.

 

Show comments