Misis dinedo sa kalsada

MANILA, Philippines - Pinabulagta ang 38-anyos na misis matapos itong  pagbabarilin ng dalawang di-kilalang lalaki sa bahagi ng Barangay Poblacion, Tanauan City, Batangas kamakalawa ng hapon.  Nagawa pang maitakbo sa CP Reyes Hospital subalit idineklarang patay ng attending physician na si Dr. Roldan Briones ang biktimang si Olivia Tasico ng JV Pagaspas Street nasabing barangay. Ayon sa pulisya, pauwi na ang biktima nang harangin at ratratin pagsapit sa madilim na bahagi ng nasabing lugar. Narekober sa crime scene ang tatlong basyo ng cal. 45 pistol habang patuloy naman ang imbestigasyon.

Show comments