Magkapatid patay sa landslide

RIZAL, Philippines - – Patay ang magkapatid na bata makaraang gumuho ang lupang kinatitirikan ng kanilang bahay sa Sitio Banbanin, Barangay San Isidro sa bayan ng Rodriguez, kahapon ng madaling araw. Sa ulat ng Rizal Provincial Disaster Risk Reduction and Management Office, kinilala ang mag-utol na sina John Michael Amor, 6-buwang gulang; at Rey Amor, 3. Nabatid na magkatabing natutulog ang mga biktima nang gumuho ang lupa at tumabon sa kanilang bahay dahil sa patuloy na ulan. Bandang alas-5:30 ng umaga nang marekober ang bangkay ng magkapatid na kaagad na isinugod sa Casimiro-Ynares Sr. Memorial Hospital subalit idineklarang patay.

Show comments