Credit collector itinumba

BULACAN, Philippines - – Napatay ang 56-anyos na credit collector ng pribadong kompanya makaraang barilin ng riding-in-tandem holdaper sa Barangay Liciada, bayan ng Bustos, Bulacan kamakalawa ng hapon. Napuruhan sa ulo ng  bala ng cal.45 pistol ang biktimang si Roberto Fuentes, kawani ng Omega Grains Corp. at nakatira sa Barangay Telepayong, bayan ng Arayat, Pampanga. Sa imbestigasyon ni PO3 Merrick Vincente Santos, pabalik na sa kanyang kompanya ang biktimang lulan ng Nissan Patrol (TDI769) mula pangongolekta ng P.120-milyon sa Vanharson Corp. nang harangin at barilin ng tandem. Tinangay ng dalawang holdaper ang plastic bag na naglalaman ng malaking halaga saka tumakas sa direksyon ng bayan ng Pandi.

Show comments