7 dakip sa pagnanakaw ng bigas

MANILA, Philippines – Pitong kalalakihan, kabilang ang dalawang menor de edad, ang nadakip ng mga awtoridad dahil sa pagnanakaw ng 48 sako ng bigas sa isang warehouse sa Tacurong City sa lalawigan ng Sultan Kudarat.

Sinabi ni Supt. Junny Buenacosa na nahuli sa aktong nagnanakaw ng mga bigas ang mga suspek.

Nakilala ang mga suspek na sina Alfred Paraiso, Alex Dela Cruz, Rhoderick Gargar, Luigi Ganny, at Darwin Camansa, habang hindi pinangalanan ang dalawang menor de edad.

Ayon sa may-ari ng warehouse na si Danny Ang, itutuloy niya ang kaso laban sa mga suspek na nasa kustodiya na ng mga pulis.

Dadalhin naman sa city social welfare office ang dalawang menor de edad na nadakip.

Show comments