Trader inutas sa harap ng bar

CAVITE , Philippines   – Napaslang ang 58-anyos na negosyante matapos ratratin ng motorcycle-riding gunmen sa harapan ng bar sa Dra. Salamanca Road, Barangay 42B sa Cavite City, Cavite kahapon ng madaling araw. Tatlong tama ng bala ng cal. 45 pistol ang tumapos sa buhay ni Antonio Soriano ng Barangay 44 sa nasa­bing lungsod habang pinaghahanap naman ang isa sa suspek na si Geoffrey de Castro ng Kapayapaan Extension sa Barangay 46. Sa inisyal na imbestigasyon ni PO2 Armangel Genuino, pinagbabaril ang biktima matapos nitong igarahe ang kanyang motorsiklo sa tapat ng Carinosa Bar. Narekober sa crime scene ang tatlong basyo at dalawang slugs ng cal. 45 pistol.

Show comments