4 todas sa road mishap

TUGUEGARAO CITY, Cagayan , Philippines   â€“ Apat-katao na sinasabing mga lango sa alak ang iniulat na namatay sa naganap na magkahiwalay na road mishap sa dalawang bayan sa lalawigan ng Cagayan kamakalawa. Sa ulat ni PO1 Richard Manaday, namatay ang mga biktimang  sina Arsenio Manalo at Felecito Quibol matapos sumalpok ang kanilang motorsiklo sa gilid ng tulay sa Barangay Mission sa bayan ng Sta. Teresita. Nabatid na bago maganap ang insidente ay nakipag-inuman ang dalawa. Samantala, namatay din sina Romy Castillo, 33; at Gilbert Rapada, 24, matapos sumalpok ang kanilang motorsiklo sa gilid ng kalsada sa Barangay Tapel, bayan ng Gonzaga, Cagayan. Napag-alamang pauwi na ang dalawa mula sa inuman nang makasalubong si kamatayan bandang alas-7 ng gabi.

Show comments