Hepe ng mga sekyu, itinumba

CEBU , Philippines   â€“ Pinabulagta ang 41-anyos na hepe ng mga security guard sa motorcycle distributor matapos itong pagbabarilin ng riding-in-tandem assassins sa bahagi ng Sitio Paradise, Barangay Cogon sa ba­yan ng Compostela, Cebu noong Biyernes ng gabi.

Naisugod pa sa Danao Provincial Hospital suba­lit idineklarang patay si Rey Capuyan Bacod, head security guard ng Norkis Yamaha Corporation.

Ayon kay PO2 Emil Rubelia, desk officer, papauwi na si Bacod na may 50 metro lamang ang layo sa pinapasukang kompanya nang ratratin ng tandem bandang alas-7 ng gabi kung saan napuruhan ito sa ulo, mukha at sa batok.

Sa nakalap na impormas­yon ng pulisya, lumilitaw na si Bacod ay estrikto sa mga sekyu partikular na sa regulasyon sa  trabaho.

Nabatid din na may sinibak na ilang sekyu sa nasabing kompanya si Bacod sa hindi nabatid na dahilan.

Si Bacod ay ginawang regular head guard sa loob ng 17 taon  kung saan sinisilip ng mga imbestigador ang anggulong may kinalaman sa trabaho ang pamamaslang.

Show comments