Utol binaril ni bunso, grabe

Legazpi City, Albay, Philippines – Agaw-buhay ngayon ang isang 49 anyos na mister matapos itong pagbabarilin ng nakababatang kapatid sa gitna ng awayan ng mga ito sa Brgy. Bulawan Jr. , Lupi, Camarines Sur kamakalawa ng hapon.

Isinugod sa Ragay District Hospital ang biktimang si Jose Manforte, magsasaka at residente sa lugar habang pinaghahanap naman ang tumakas na suspek na si Manuel Manforte, 45 ng Sipocot, Camarines Sur.

Sa ulat ng pulisya, bandang alas-4 ng hapon ng mangyari ang insidente sa lugar matapos na magtalo ang magkapatid na nauwi sa pamamaril ng sumpak ng suspek sa kaniyang utol.

Ayon sa imbestigasyon, isang malalim na alitan sa pagitan ng magkapatid ang motibo ng krimen.  

 

Show comments