Umbagerong mister kinatay ni bayaw

MANILA, Philippines - Umabot sa sukdulan ang galit ng isang mister matapos nitong mapatay sa taga ang kaniyang bayaw nang maaktuhang binubugbog ang kapatid na babae sa naganap na malagim na insidente sa Brgy. Labuan, Zamboanga City kamakalawa ng gabi.

Kinilala ni Sr. Inspector Robert Ortega, Spokesman ng Police Regional Office (PRO) 9, ang nasawing biktima na si Rowel Solis, 40-anyos.

Arestado naman ng mga nagrespondeng operatiba ng pulisya ang suspek na kinilalang si Benjie Luyao, 34 taong gulang.

Sa imbestigasyon ng Zamboanga City Police, dakong alas-9:45 ng gabi nagkaroon ng mainitang pagtatalo sa pagitan ni Solis at ng misis nitong si Victoria Luyao Solis, kapatid ng suspek sa kanilang tahanan sa Campo 1, Brgy. Labuan ng lungsod.

Sa kainitan ng pagtatalo ay sinuntok ng nasabing mister sa mukha ang kaniyang asawa na iniuntog nito ng makailang ulit sa dingding nang maabutan ng suspek na sa tindi ng galit ay isinalya ang biktima saka pinagtataga hanggang sa mapatay.

 

Show comments